History of Philippine Language

Do you know the history of Our Philippine Language ? I am referring to Tagalog Language , I just know that Philippine Language is a tool to unite  Filipinos in the early age. And Jose Rizal , Quezon and other National Herose did a great job to fight for Philippine Language. Below is the history of Tagalog Language written in Filipino language :

Noong Nobyembre 13, 1937, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika. Naimpluwensyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga sumusunod:

  1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.
  2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
  3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.
  4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.
  5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.

Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksyon 3(2), na Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang Asamblea na mag-“take steps towards the development and formal adoption of a common national language to be known as Filipino.” Gayundin, nilaktawan ng Artikulo XIV, Seksyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang anumang pagbabanggit ng Tagalog bilang batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na “as [Filipino] evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages (pagbibigay-diin idinagdag).” Tiniyak pa ng isang resolusyon ng Mayo 13, 1992, na ang Filipino “ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo (pagbibigay diin idinagdag).” Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang Cebu at Davao.


I just hope that the above mentioned history will help you get you assignment 🙂 .. BTW Welcome to my blog , this is a Tech and Philippine Related Blog and I also own, newsinphilippines.com
Update : Subscribe to my RSS or Subscribe to me via email for the latest information regarding the fight. I will be making a list for email subscriber and supply the latest information . So better Subscribe to me via email and get fresh fight result . Don’t forget to verify your subscription .

Enter your email address:

Update:

Dexter Panganiban https://techathand.net/about-2/

Dexter is a person who loves technology,new gadget, SEO, Social Media and Christianity. Follow him at twitter via @techathand and add him @ Google+ and contact us at admin@techathand.net

You May Also Like

More From Author

17Comments

Add yours
  1. 3
    elaiza

    Kasaysayan ng Wikang Filipino

    Bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang pambansa. Ang Pilipinas, na itunuturing na isang malayang bansa, ay may sariling wikang pambansa. Ito ay ang Wikang Filipino.

    Bakit mahalagang magkaroon tayo ng wikang pambansa? Sang-ayon kay Dr. Isidro Dyan, isang dalub-wika mula sa Malaya – Polinesya, “Malaking kahihiyan para sa bansa kapag mayroong ginagamit na wikang dayuhan subalit di nag-aangkin ng sariling wikang pambansa. Kailangang magkaroon ng wikang pambansa upang malinang ang pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.

    Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas – ang Pilipino na nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging Filipino. Ang kasalukuyang Filipino ay isang isyung naging sanhi ng pagsasalungatan lalo na ang mga taga-Cebu. Sabi ng mga Cebuano ang Filipino daw ay hindi pambansa kundi Tagalog na sinasalita lamang ng mga taong nasa katagalugan. Ngunit ipinaliwanag ng mga awtoridad sa Filipino na ang Wikang Filipino ay hindi Tagalog kundi ‘sing wikang nabuo at kinilalang “lingua franca” ng Kalakhang Maynila na lumaganap na sa buong kapuluan.

    Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit na 7,100 mga pulo. Ito ay pinananahanan sa kasalukuyan ng 60 milyong mamamayan na gumagamit ng mga 87 na iba’t ibang wika. Kabilang sa mga pangunahing wika ay Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pampanga, Bicol, Pangasinan, Hiligaynon, Waray at Maranao. Pinaniniwalaang ang mga sinaunang Pilipino ng hindi nagkaroon ng isang katutubong wika na masasalita at mauunawaan ng lahat dahil sa pagkakahiwa-hiwalay nila ng pook ngunit mayroon din namang naniniwala na ang wikang Tagalog ay ginagamit hindi lamang ng mga katutubo sa pulo ng Luzon kundi sa iba pang mga pulo.

    Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, hinangad nilang mapalaganap ang Kristiyanismo, kaya’t minabuti ng mga prayle na mag-aral ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas sa halip na ituro ang kanilang wika sa mga katutubo. Sa ganitong paraan, nakapg-ambag sa wika ang mga mananakop ng Kastila dahil sa pagkakasulat nila ng aklat gramatika ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas.

    Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino laban sa mag Kastila ang kaisipang “isang bansa, isang diwa.” Kaya nga’t pinili nila ang Tagalog na siyang wikang tagalog sa panahon ng propaganda – mga sanaysay, tula, kuwento, liham at mga talumpati na punung-puno sa damdaming bayan. Kahit si Rizal at iba pang propagandista’y sumulat sa Kastila, batid nilang ang wika’y malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila.

    Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng itakda ng pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan. Ito ang dahilan kung bakit simula noong pananakop ng mga Amerikano hanggang bago sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig, hindi umunlad ang ating wika.

    Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro Kalaw at iba pa ay nagtatag ng kilusan nakung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gillego na gawing wikang pambansa at wikang opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang Ingles.

    Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa.”

    Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipalilala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas. Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.

    “Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga

    hakbangin tungo sa paglinang at paggamit ng pambansang

    wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika.

    Samantalang hindi pa itinatadhana ng batas, ang Ingles

    at Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal.”

    Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga kinatawang nagmula sa mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng puspusang pag-aaral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat ito’y nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino. Kaya, noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog.

    Ang sumusunod ay iba’t ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa pagkasulong ng ating wika:

    Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.

    Disyembre 30, 1937 – Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

    Abril 1, 1940 – Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.

    Hunyo 7, 1940 – Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.

    Marso 26, 1954 – Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 – Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.

    Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.

    Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.

    Marso, 1968 – Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.

    Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974–75.

    Hunyo 19, 1974 – Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.

    Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muñoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito’y nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:

    Artikulo XIV – Wika

    Sek. 6 – Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

    Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic.

    Sek. 8 – Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

    Sek. 9 – Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.

    Agosto 25, 1988 – Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.

  2. 5
    jesz

    Di po ba Pilipino ang pambansang Wika ng pilipinas, at Tagalog ay isa po lamang sa mga napakaraming dialect na meron tayu..?!.

    ibig sabihim po nito – kung ito ang ating pagbabasihan, e di dapat pala sa bawat rehiyon kanya kanyang dialect ang ginagamit natin sa klase at hindi tagalog.

    Ang tagalog po naman ay naging pupular lamang dahil ito ay nagkaroon ng bintahe dahil sa Telebisyon na halos lahat ng network nka base sa maynila.

  3. 6
    glein

    nais ko sana mag tanong tungkol sa Ano ba talaga wika natin? Ayon sa mga tao dito sa bayan ng Pilipinas “ang wikang pambansa ng pilipinas ay Filipino” (Art. 14 at Sek.6) yan ang pagkakaalam ko sa mga nabasa ko sa libro o sa na research ko pero bakit hanggang ngayon sa teksbuk ng wikang ingles parin tayo umaasa.Hindi ko gusto ang ingles sa ating bayan may sarili tayong wika kaya dapat yun ang gamitin natin.Nalulungkot ako kasi kahit sarili natin wika hindi natin minamahal.

  4. 13
    Kasaysayan ng Wikang Filipino – Pinagmulan ng Wika | Philippine News and Current Events

    […] Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya. […]

+ Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.